March 28, 2008

SIQUIJOR

Sa bayan ng Siquijor ay may isang tagong kagubatan na hindi madaan-daanan ng tao dahil sa masukal at bako-bako ang daan patungo rito. Sa sentro ng kagubatang iyon ay may masayang namumuhay na mag asawang Sita at Berto ngunit hindi ito ganoon kasaya dahil sa tinagal-tagal ng kanilang pagsasama ay hindi sila magkaanak.

Bago sumapit ang kapistahan ng naturang bayan ay may natagpuan si Sita na babaeng walang malay sa labas ng kanilang maliit na bakuran at dali-dali niyang tinawag si Berto upang matignan at tulungan ito. Nang napahiga na ni berto ang Ale sa kanilang papag ay pinaghanda agad ni Sita ito ng mainit na tubig para ipangpahid sa Ale. Maya-maya pa ay nagkamalay na rin ang Ale at ang pangalan pala nito ay Seneng. Ang di alam ng mag asawa ay isa pala itong mangkukulam na hinahabol ng mga taga baryo dahil sa may nakulam itong batang babae dahil narin sa lagi siyang nilalait ng naturang bata. Naikwento ni Sita na hindi siya magkaanak at dahil sa kabutihang loob na ginawa ng mag asawa kay Seneng ay sinuklian ito ni Seneng ng dasal na makakatupad sa kahilingan ng mag asawa.

Kataposan na ng pista nang nagising si Berto at nakita niyang wala na si Seneng sa papag. Bigla niyang ginising si Sita at nakita nila na may naiwang gamit si Seneng. Dahil sa kanilang kabaitan ay itinago lang nila ito sa kanilang tokador at umasang babalik din si Seneng. Kasabay ng pagkawala ni Seneng ay nagumpisa ring lomobo ang tiyan ni Sita.

Pagkalipas nang anim na buwan ay napansin ni Sita an lumolobo na ang kanyang tiyan at tuwang tuwa naman si Berto sa pagdadalang tao ni Sita. Pagdating ng kabuwanan ni Sita ay tumungo si Berto sa bayan para humingi ng tulong kay Nana Pasing, isang magaling na komadrona. Nang malapit na ang paglabas ng bata ay nagulat si Nana Pasing dahil sa di normal ang laki ng tiyan ni Sita kaya sa paglabas ng bata ay laking gulat nalang ni Nana Pasing na may umbok ang likod ng bata pero tuwang tuwa parin si Berto dahil sa nagkaanak sila at pinangngalanang Annie.

Nang nag pitong taong gulang na si Annie ay lagi siayng isinasama ng kanyang ina para mamalengke ng kanilang pagkain sa loob ng isang linggo ngunit sa tuwing sumasama siya sa kanyang ina ay kinukutya lamang siya ng mga batang kalye kaya di na pumayag si Sita na isama pa si Annie sa bayan. Halos di na nasilayan ni Annie ang bayan dahil sa posibelidad na baka kung ano ang mangyari sa kanya kaya sa kanyang pagtanda ay ang gubat lang ang nagsilbing kalaro niya.

Isang mainit at nakakabagot na araw nang maisipang gumala ni Annie sa paligid ng kanilang bahay. Walang magawa si Annie kaya naisipan niyang umalis patungo sa bayan. Pagdating niya sa bayan ay biglang gulat nalang niya nang nginitian siya nito ng isang lalake na nagngangalang Joe. Manghang mangha si Joe kay Annie; isang magnda, maputi at mahinhin na dalaga ang kanyang nakikita kay Annie at di alintana ni Joe ang nakaumbok sa likod ni Annie. Para bang bumigat ang puso ni Joe nang nakita niya si Annie at biglang nagpakilala si Joe at ipinakilala rin niya ito sa kanyang kabarkadang sina Al at Ken.

Halos mamulaklak ang buong paligid ni Annie nang nakita niya si Ken ngunit biglang nagbago ang lahat ng malaman niyang may Girlfriend na pala ito. Pakiramdam niya ay parang tinutusok ng maraming aspili ang kanyang puso ng makita niyang kasama ni Ken si Donna, girlfriend ni Ken. Araw-araw na pabalik-balik si Annie sa bayan kahit na parang minamaso ang kanyang paa sa layo ng kanyang nilalakad. Ilang linggo ring patago na umaalis si Annie para makita si Ken para mapansin siya nito.

Sa kaarawn ni Joe ay inimbitahan niya si Annie na dumalo sa pagdiriwang na iyon at laking tuwa naman ni Annie na kasama din don si Ken.

Isang araw bago ang kaarawan ni Joe ay naisipang maghanap ni Annie nang maisosoot. Halos maubos na ang mga damit na nakatago sa loob ng kanilang tokador ngunit wala parin siyang mahanap na magandang damit na babagay sa kanya hanggang sa nakita niya ang pinakahuling damit na nakatupi roon. Isang dilaw na blusa at sadyang may nakaumbok na libro dito. Isang lumang libro na halos di mo na maiangat ng mataas dahil sa posibelidad na masira sa sobrang luma nito.

Ang librong iyon ay ang naiwang libro ni Seneng at walang kaalam alam si Annie tungkol dito. Nais niya itong buksan dahil sa napakamisteryoso ng librong iyon. Halos lahat ay maakit na buksan iyon dahil sa taglay nitong presensya.






Pag buakas niya ng libro ay biglang lumamig ang boung paligid. Biglang kinabahan si Annie pero ipinagpatuloy niya parin ang pagbuklat sa libro hanggang sa mabasa niya ang unang pahina nito.


Laking gulat ni Annie nang mabasa niya ito. Mga dasal, gamot, kasangkapan at mga proseso ng pangkukulam. Di niya maipaliwanag kung matatakot siya o matutuwa dahil sa nabasa niyang ito pero ipinagpatuloy niya parin ang pagbabsa ng naturang libo hanggang sa nabasa niya ang isang pahina kung saan makakasagot nang kanyang inaasam na kagandahan.







Kalakip doon ay kung paano ang proseso ng pag gawa ng naturang patak na kailangang ipatak sa kahit anong damit. Tamang tama dahil nasa gitna sila ng gubat ay madali niyang nahanap ang mga kasangkapang ito at walang kahirap hirap niyang natapos ito dahil walang tao sa kanilang bahay ng mga oras na iyon.

Inihanda na niya ang dilaw na blusa na mismong nakuha niya sa tokador at pinatakan niya ito ng tatlong patak ayon sa nakasulat sa libro. Tuwang tuwa si Annie dahil sa mga natuklasan niyang ito pero may halong kaba dahil sa hindi niya alam ang naturang kapalit sa patak na iyon.

Sa aktong pagsoot ni Annie ng naturang damit ay umiiyak na pumasok si Ken. Nagulat si Annie at nagtaka dahil sa kung paano nakapunta doon si Ken. Nagulat din si Ken dahil sa kanyang nasaksihan; Ang kubang si Annie ay napalitan ng magandang babae na kay ganda ng katawan. Nawala ang kanyang pagka-kuba.

Natakot si Ken at nagulat sa kanyang nasaksihan pero ipinaliwanag rin ito ni Annie sakanya ang buong katotohanan. Ipinaliwanag din ni Ken kung bakit siya naroon, niloko lang pala siya ni Donna dahil may ibang mahal pala ito. Nakita ni Ken na kasama ni Donna si Al. yon pala ay may lihim na pag-iibigan ang dalawa. Ipinaliwanag din ni Ken na may pagtingin ito kay Annie. Kahit na kuba siya ay mahal niya ito.

Ipinaalam ito ni Annie at Ken sa magasawang Sita at Berto at ikwenwnto ni Sita ang katotohanan sa likod ng librong iyon. Nang nalaman ni Ken iyon ay parang magugunaw ang kanynag mundo dahil sa nakakatnadang kapatid pala ni ken ang batang kinulam ni Seneng.

Ipinaalam ito ni ken sa kanyang mga magulang at sa kabutihang palad ay tinanggap naman ni Don Samiro at Doña Moraita, mga magulang ni Ken, si Annie bilang babaeng mapapangasawa ni Ken.

Pagkatapos ng ilang buwan ay binalak ni Annie at Ken na magpakasal. Ang saya ng lahat dahil nang hinalikan ni Ken si Annie sa harap ng sambahan ay biglang lumiwanag ang buong plaigid, nawala ang bahid ng pagiging mangkukulam ni Annie, nawala ang kanyang pagka-kuba, nasunog ang libro na nakatago sa kanilang tokador at ang masaya pa doon ay nabalitaan nila na napatay ng isang mangangaso si Seneng sa silangngang bahagi ng Siquijor.

Mahabang panahon din ang lumipas at masaya nang namumuhay si Annie at Ken. May dalawang anak na babae na sina Trishia at Kristina.. naputol ang sumpa kay Annie at masayang namumuhay sa gitna ng kagubatan.

-sa isang sulok, nandoon si Seneng, nagmamasid… (abangan ang Book 2)

No comments: