March 28, 2008

"Si Ako"

Sa lugar na tinatawag nilang manila ay ipinanganak si ako. Mabait si ako ngunit bakit nila away si ako? iyak lagi si ako kaya lagi tulo sipon ni ako. Mabuti nalang at nandiyan si mamAy, nakaalalay kay ako at laging gumagabay.

Nagtataka kung bakit pinagtatawanan si ako; Pinandidirihan, iniiwasan at tinuturing na ibang tao. Bakit ganito si ako? Bakit ganun? Sa tuwing si ako ay nakikita, lagi akong pinag-uusapan, lagi akong pinagtatawanan. Halos ikahiya ni ako ang sarili dahil sa kalagayang ito. Wala na yatang mukhang maiharap dahil sa itsura ni ako. Kung bakit ba sa dinami-dami ng nilalang dito sa mundo, bakit si ako pa ang naging ganito?

Kasalanan ba ang maging ganito? Bakit ba lagi nalang akong nasasaktan sa tuwing pinapansin ang aking karamdaman. Bakit di nalang ang ibang tao? Lagi na nga’ng tulo ang laway dahil sa di pantay na noo. Kahit mukha ko ay ganito, may pakiramdam din ako. Tumatawa, umiiyak at nasasaktan din gaya nyo. Nandito si ako para turuan kayo, ng pagmamahal na bigay ng poong maykapal...

Sa kanya di ako naiiba, pag-ibig niya ay di maiiba pero bakit sa inyo, naiiba ako? hinihiling na mawala ang paghihirap na ito, pero nagpapasalamat na rin dahil ito ang biyayang pinagkaloob kay ako. Minsa’y nahihirapan din si ako, di masabi kung ano ang gusto. Sa tuwing nakakaramdam si ako ng pananakit ng tiyan, di ko masabi ang aking kalagayan. Tinitiis na para ba’ng may asido sa loob ng aking tiyan, unti-unting tinutunaw at parang ba’ng malulusaw. Di ko rin masabi ang sakit ng ulo, na parang tone-toneladang bato. Masakit sa damdamin na ganito si ako pero kinakaya ang mga pagsubok kay ako.

Pag akoy nasa bahay ay nakabantay lang si mamay, napapasaya ko ang buong bahay. Nakaabang si papaY, handang yakapin si ako, bubuhat-buhatin at tinuturing na di ibang tao. Nagpapasalamat si ako dahil kahit papano masaya na rin si ako, binigyan ako ng pagmamahal na hindi tulad nito. Kahit sila lang ang nakakaintindi kay ako, masaya parin si ako dahil binigyan si ako ng mapagmahal na pamilya.

Napapaiyak nalang si ako sa tuwing nasa eskwelahan si ako, turing nila ay para ba’ng ibang tao. Di ni ako maiintindihan kung bakit ganun sila, nakakaawa sila dahil di nila kaya. Buti pa si ako kasi kaya k o ang kalagayang ito, tinitis ang paghihirap kapalit ang kasiyahan ng ibang tao.

Nang nakatungtung si ako sa Grade 1, tuwang-tuwa si mamay. Ito na ang simula nang aking buhay. Nakakilala si ako ng mga kaibigan; Si bOk, JopEt, KristEna at MEy. Mga kalaro ni ako at tunay na kaibigan. Nang natapos ang buong taon ng klase, naging bEst in Mat ako. tuwang-tuwa si papay, sinabitan ako ng medalya. Sa isang taong iyon ay napatunayan ni ako na di ako ibang tao, may kaya rin ako at di si ako susuko.

Panahon ng bakasyon at atg-init, nasa bahay lang si ako. di nagpapainit at di natatanaw ang napakagandang mundo sa labas. Nasanay na ako na laging nasa kwarto, kausap ang kalaro ko na gawa ng utak ko.

Pasukan nanaman at tawag kay ako ay Grade 2, madaming nakilala at Teacher May ang panagalan ng guro ni ako. Mas dumami ang kaibigan at madaming kalaro. Si Jac, Binsent, Sanshayn at KarLo. Ang mga nakilala ni ako na bagong kaibigan ay mas masasayang kasama pero kila bOk, JopEt, KristEna at MEy ay meron ding magagagandang ala-ala. masuingit si tEacheR mEy pero may tinatago ri'ng kabaitan. masayng kasama at magaling mag turo. laging nasa akin ang atensyon at laging nakaantabay. natapos nanaman ang pasukan at umiba ang aking kagalingan, naging bEst in Pelipeno ako. di inaasahan ni ako na makakakuha ulit ako nang medalya.

Bakasyon nanaman at pinanapayagan na si akong lumabas pero hanggang sa kAbeLang BaHay lamang dahil nagaalala din si Papay aT maMaY ni ako baka merong mangyari sa aking masama dahil meron din si akong kakulitan.

Ilang taon na rin ang nakalipas at marami na si ako'ng natanggap na mga award. bEst in Art, BesT En saYans, MosT pankTwaL, Best In yUnifOrm, BeSt eN engLes, Spesyal award, ModiL boy, makaTang Bata, Tap NatsEr pero sa lahat ng natanggap ni ako bakit kaya di manlang ako nagkaroon ng Best En SpilLeng pero isang beses ay natuwa talaga si PapAy at MamaY dahil naging peRs onOr ako nung gReyd Payb at naaalala din ni ako yung si JeySon sa kanyang nung Greyd Por si ako. Naaalala din ni ako sila Deyb, Greys, jeri, jemaYmaH, sinDi, seY, JEypi, TeriSaa, jOan at MariKris dahil sa mga magagandang alaala ni ako sa kanila. Naaalala ko din ang mga tEtsher ko na mabababait tulad ni teTChir DeySi, AmpaRo, Rohas, Jamis, LitisYa, NOralita, aNgeL at higit sa lahat ay si tetchier BiNus dahil pinakain niya kami sa bahay nila nung kRisMas ParTi namEn nuNg Greyd Six.

Sa dinami-dami ng pinagdaanan ni ako nung eLeminTari, nagayon ay nakatungtong na si ako ng HaysKuL. Bago nannamang karanasan sa buhay at ngayon, ang atawag sa akin nang mga nakakasalubong ko ay pErsyir.

Ngayon ay may bago na ako'ng skuL at malapit na ito sa aming bahay kaya naglalakad nalang ako at sa pagtatapos ko sa elementarya ay nagkaroon din si ako nang bagong kapatid, ang pangngalan niya ay si maRiya mEy jOy ani maduna C. paLma at tuwang tuwa talaga si ako dahil may laruan (kalaro) na si ako.

Nanibago si ako dahil iba na ang mga Klasmeyt ni ako. ang mga dati kong ka-klase ay nasa ibang Seksyun t ang iba naman ay nasa ibang Iskwelahan. Nahihiya si ako dahil sa kapansanan ko kasi baka di nila ako matanggap pero masaya din dahil nung unang araw ng pasok ni ako ay nagpakilala kami sa isa't-isa. Sinulat namin ang aming pangngalan sa isang papel at binasa ni titsir Armando. pagkatapos ay nagpakilala rin siya at sinulat niya sa BlockBord ang kanyang pangalang 'Sir Eugenio Armando D. Magpantay' at nagulat ako kasi ang ganda ng pangngalan niya dahil may sir sa unahan. Nagbigay siya ng sisTema sa pagGiGreyd sa amin sa lahat ng markahan. Natuwa din ako dahil marami akong bagong kaibigan tulad nila maRk, Mayk, mayKeL, mitsEL, sHiena, jeyn, shila at Tine dahil tinanggap nila ako kahit na may kapansanan si ako pero nalungkot nang husto si ako dahil sa pagtatapos ng buong taon ng pasokan ay wala man lang natanggap na award si ako.

Sa sobrang lungkot ni ako ay parang ayaw ko nang magpakita kay Mamay at Papay ko. At habang pauwi si ako sa bahay ay bigla nalang dumilim ang paningin ni ako.

Nang nagising si ako ay nakita kong puti ang buong paligid at akala ni ako ay nasa HebEn si ako. Maya-maya ay nagulat si ako dahil nakita kong papasok sila tito ArnoLd at tito AnDuy na may dala dalang Pruts kasama sila tiTa vebang at titA BeronikA na may dala din na pLawers. nakita ko ring pa-pasok si mAmay at Papay kasama si Beybi at si kuYa Jerson na duguan ang damit.

Si kuya jerson pala ang nagdala sa akin sa hOspetaL, ang nakakatanda kong kapatid. yun pala ay nasagasaan si ako ng RomaragasAng jiP na sumagot na rin ng bayarin ni ako sa hOspetaL. Nalaman ni MaMay at PapaY na hindi ako nakapasok sa tAp tin at di rin ako nakakuha ng spisYaL awaRd na inaasahan nila kaya nung sikund yir ay hinusayan ko na nang mabuti ang aking pag-aaral.

Sa pagtatapos ko ng SecOnd Year ay nakapasok si ako bilang pang LimA sa mahuhusay sa klase at sa unang pagkakataon ay nakuha ko rin ang pinaka-aasam kong Best in Spelling. Naging masaya ang mga araw ko nonng SecoNd yeAr si ako kasi nagkaroon ulit si ako ng mga bagong kaibigan at hinding hindi ko makakalimutan si Teacher NiNa MiLes FernAndEz dahil nag pursigi siyang turuan si ako sa aking mga aralin lalo na sa SpeLling.

Ngayong ThiRd yEar na si ako ay napasama si ako sa First Section ng aming BatCh. dun ko mas ginalingan ang aking pag-aaral dahil nakasama ni ako sina bOk, jopEt, Christina, may, jacK, Vincent, Carlo at iba pang dati kong mga ka-klase nung EleMentary si ako. mas ginalingan ko pa dahil umaasa sina mAma at paPa.

Ang huling taon ni aKo sa HiGh SchoOL ay mas lalo pang sumaya dahil mas mabait ang aming Guro na si Gng. BErnaDeth D. BaRtoloMe at naka-bonding pa namin siya dahil binlow-out niya kami sa isang resort pagkatapos nung GrAduation kasama ang buong klase pero parang di ako sumaya ng husto dahil sa SaLutaTorian lang si Ako.

Ngayon, bagong kabanata nanaman ng buhay kO ang ColLEge Life. Dito ko na naranasan ang sariling pagsisikap at seryosong pagaaral. ngayong 1st yEar cOllEGe na AkO ay sobrang nanibago talaga AkO dahil iba yung SCheDuLe ng aming klase at nagyon ay may sPecific na dapat akong kunin na kurso, at ang napagdisisyonan ni MamA at PapA na ang kunin kong kurso ay Batchelor of Science in Education major in English which is somehow, not that complicated and it gives me thrill because english is a fun way to express my feelings.

Naipasa ko ang pgiging Freshmen and mas naging better pa ang pagsasalita ko fluently sa english at mas naging maayos na ang Pagsusulat ko.

In my second year in College, I filed a scholarship at naging mas mahirap ang pag aaral ko, sunugan na ng kilay to, to the max! ang mga ka-klase ko ay hindi na tulad ng dati na puro mababait at nagpapalipas ng oras sa paglalaro at higit sa lahat, naging hectic ang schedule ko this year. ang mga ka-klase kong sina Paulo, James, Grace, Hazel, Teri, Tina at si Mayles sa NSTP lang ang mababait sa akin at naging ka-close ko kahit na ganito ang kalagayan ko at ang nagugustuhan ko lang na Professor sa lahat ng naging mga propesor ko ay si Mr. Emmer Cruz na napakagaling sa pag gawa ng mga tula at kwento.

Mas naging masaya at makabuluhan ang aking pag-aaral sa Third Year College dahil, I had started to go in an OJT ( On the Job Training) which is teaching Elementary students in La Salle. I enjoy teaching this cute little students which is very polite. After my OJT, I recieved a certificate which certifies me as a good student teacher.

Sa pang huli at ang pang Fourth year ko in College, mas sinipagan ko pa dahil gagraduate na ako. Ang mga kaklase ko ay mababait din naman sakin kaso pagdating sa pag-aaral ay masyado silang seryoso dahil ang pag-aaral ay maipagmamalaki nila sa kanilang magulang at ganun din ako kaya ako nag-aral nang mabuti at nagsusumikap na makuha ang Summa Cum Laude para maipagmalaki ako ni papa at mama at para na rin mapatunayan ko sa kanila na kahit ganito ako ay kaya kong magsumikap para makuha ang tagumpay sa pag-aaral.

Nagsumikap ako ng husto lalo na sa major subject ko kahit na masungit ang aming professor na si Gng. Mahandusay. nag aral ako nang mabuti at kung wala akong ginagawa ay mag-basa, mag-basa nang mag-basa at minsan din ay nag papalipas ako ng oras sa pagsusulat ng mga tula at kwento.

Isang araw bago ibigay ang mga pangngalan ng mga nakapasok sa honor-roll ay nagdasal ako kay God na sana makuha ko ang posisyon sa pagiging Summa Cum Laude at
makapagturo sa isang magandang paaralan.

Araw na ng pagbibigay ng mga nakapasok sa honor-roll at luckily nakamit ko ang aking victory sa pagiging Summa Cum Laude.

At sa huli, ang nagagawa ng normal na tao, ay nagagawa din ni ako. at Si aKo ay nagawang maging AKO; ang ipinagmamalaki ng magulang kahit na may kapansanan.



-John Paulo H. Iguban
I-Br2

No comments: