January 12, 2008

mga Tula ko.




1. KANTA

Ang lahat ng mga kanta
Ay sadyang napakaganda;
Napakagandang pakinggan,
at maganda ring sabayan.

Tila ito na ang buhay
Na sadyang walang kapantay.
Nagbibigay ng emosyon,
Nagbibigay inspirasyon.

Minsa’y nagbibigay tuwa,
Minsan di’y pangungulila.
O sadyang kaaya-aya
At sadyang napakaganda

Sadyang ang lahat ng kanta
Ay nagbibigay ng saya
Dapat ay panatilihin,
Ang pagiging malikhain.


2. DINIG MO BA?

Dinig ko ang mga tawanan
Sa loob ng bawat tahanan
Dinig ko ang mga paputok
At sadyang kayrami ng usok

Dinig ang mga kahilingan
Ng bagong buhay mapagbigyan
Gustong magsikap at makamtan
Ang tuluyang kasaganahan

Dinig kong nagsisipag-awit
Bagong taon, sadyang kay lapit
Dinig kong hindi nalulumbay
Ipinagdiriwang ang buhay

Dinig kong nagsasalu-salo
Lahat kumakain sa plato
O kay ganda ng Bagong Taon
Lagging mayroong pagkakataon


3. ANG PASKO KO

Ang Pasko ko ay hindi kay ganda
Tila ba may nakakapangamba
Mula sa aking pagkakaidlip
Tila kay gulo ng aking isip

Diwa ng Pasko ay kay lapit na
Ngunit meron akong nadarama
Parang isang matinding bangungot
At sadyang nakakapangilabot


Simoy ng hangin ay dama ko na
Naririnig ang tunog ng boga
Tila parang naghahanda sila
Ngunit sadyang merong kakaiba

Di ko kita sa bahay ang gayak
Di gayak kundi mga bulaklak
Para sa puntod ng kapamilya
Ay naku po! Undas pa lang pala!


4. KAPALIGIRAN

Mga hayop sa kapaligiran
Lahat sadyang kay gandang pagmasdan
Mga ibon na nagliliparan
Mga hayop na naghaharutan

Mga isada na naglalanguyan
Mga palakang nagkakantahan
Mga halamang nagsasayawan
Sumasabay sa kapaligiran

Mga punong nakikipagsaya
Talagang sadayang kaaya-aya
Likas na yaman sa kabundukan
Bigay ng Diyos na kasaganahan

Kapaligirang pinagmamasdan
Sadyang kay gandang balik-balikan
Kaya dapat nating alagaan
Kalikasan at kapaligiran


5. INA

Ang dami na nating pagtatampo
Ngunit parte ka na ng buhay ko
Naisip kong tayo’y maghiwalay
Sa napakarami nating away

Ngunit ika’y maaalahanin
Wala nang mas hihigit pa sa ‘kin.
Kapag ikaw ay mawala sa ‘kin
Di ko alam ang aking gagawin

Ako ay lagging may hinanakit
Pero laging andyan pag maysakit
Ikaw ang pinaka marikit
Sa lahat ng babaeng nabanggit

Kaya di ko kayang mawala ka
Gusto ko’y lagi kang makasama
Kaya ikaw na ang aking buhay
Kasama sa pagsubok ng buhay

No comments: